June 2009
M T W T F S S
     
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Top Blogs

Visitors

Chatbox

Janna:

A great read. Ill definitely be back.

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

eztvstream:

nice blog. keep it up.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

eztvstream:

nice blog. keep it up.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

saç ekimi:

very nices blogs .thank you mary…
Türkiye Saç ekimi Merkezi

ash:

amfufu, wala na bang bagong kwento jan xD

ash:

good morning, just droppin by here ^^,

ka andoy:

Salamat sa pagdalaw. Bagito ako sa ganitong teknologhiya.
Maganda ang iyong pabalat.

mourningrain:

hi to all!

mourningrain:

haha. mwah mwah.

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼
As you build your dreams on my shattered hopes,
I'll look back on a day once loved and fantasize for tragedy

Malamig!

June 3, 2009

hay.
heto na naman ako.
hapo, pagod, nanghihina, masakit ang katawan, basa ang buhok, basa ang damit at mabaho ang paa’t may sabit sabit pa ng kung anung dumi sa daan.
grabe, kakauwe ko lang galing sa eskwelahan, hindi nakakatuwa ang mga eksena, sobrang lakas ng buhos ng ulan na animo’y pinagtitripan ka ng isang bumbero.
kahit malakas ang pagpatak at pagbuhos ng ulan eh sadyang masaya parin ako, sobrang galak at mukhang demonyo ang aking bungisngis sapagkat peyborit ko talaga ang ulan.
hindi naman dahil sa isa ako sa mga batang lumalangoy sa harap ng petron dahil barado ang mga kanal dun, masaya ako dahil hindi maaraw at hindi ako pinagpapawisan.
ayos! ngayon ko nalang ulit naramdaman ang ginaw at lamig, at dahil dyan, ngayon ko nalang din ulit naramdaman ang aking pinakamamahal na jacket, haha, salamat sa iyo o ulan.
ang sarap ng feeling nung sinuot ko ung jacket ko kanina, parang bago, parang kakabili ko lang ngunit  amoy aparador at amoy nympethamine balls, pero ayos lang, at least kahit papano, nagamit ko sya ulit pagkatapos ng ilang buwan na pamamalagi at pagtambay sa aking aparador.

pagkalabas ko ng skwelahan kanina, agad akong dumiretso sa aking payborit spot, ang aking tambayan, ang aking lugar-pahingahan…. ang aking yosihan. dito ako lagi dumideretso tuwing lalabas ako ng Mapua at walang magawa, tambay saglit, hintay ng kakilala para makalibre ng yosi, kwento konti, hintay ulit ng kakilala para makalibre… ganyan lang ang ginagawa ko dun, parang nakakatamad pero dun kayo nagkakamali. masarap tumambay dun lalo na pag may mga kasama ka, hindi mo mapapansin na ang 1 sigarilyo mo eh tatagal ng 6 minutes 23 seconds dahil sa kakakwento mo sa iyong kasama, sulit db? hindi! hindi sulit kasi sadyang mas mahal ang sigarilyo sa aking tinatambayan kesa sa mga normal na tindahan, kay ‘Manong Putol’ ang aking suking tindero sa aking tambayan, eh Php 2.50 ang isang stick ng Marlboro Red, mahal db? hindi tulad sa ibang tindahan na Php 2.00 lamang, at kung medyo magaling ka mambola at talagang makapal lang ang iyong mukha o sadyang wala ka na talagang pambayad eh makukuha mo ang isang Marlboro Red sa halagang Php 1.50 lamang.
Pero kung tutuusin, ok naman ako sa Php 2.50, kesa naman maglakad ka pa ng kaunti at tumawid para bumili ng yosi doon sa kabilang side ng street kung saan Php 2.00 lang ang benta ni manang, baka yung pagtawid mong yun pa ang maging sanhi ng iyong pagkakadapa o pagkaka-apak ng bubble gum, o kung mas matindi pa eh ang masagasaan ka. Napapaisip nga ako minsan eh, sinadya ba talaga ni Manang na pumwesto sa kabila at ibenta sa mas mababang presyo ang kanyang tinda para kalabaning si Manong Putol? Hmm… nakakabagabag kung iisipin. O siguro may lihim lang talagang pagtingin si MAnang kay Manong at pilit na nagpapa-pansin. Hay, ewan ko sa kanilang dalawa. Basta ako, tuloy parin akong tatambay doon at maghihintay ng kakilala, kung papalarin ako eh baka hindi lang Yosi ang makukuha ko, baka pati BukoJuice eh pagpalain akong bigyan. :)

anong oras na rin ako nakauwe, matagal akong naghintay ng masasakyan duon sa yosi-han ko, inabot ako ng halos 30 minutes sa kahihintay na may ‘Makati Loop’ na jeep na dumaan, yun kasi ang sinasakyan ko papa-uwe para makatipid, 7 pesos lang pag hindi aircon at 10 piso naman kapag aircon ang jeep, at 0 pesos naman kapag medyo makapal ang mukha mo para sumabit. pero ayun, matagal tagal talaga akong naghintay, naka-5 sigarilyo ata ako, 3 kendi, at 12.50 ang nagastos ko, bwisit, pamasahe na sana yun oh, kung hindi lang matagal dumaan ang sinasakyan kong jeep. Every 5 minutes lang kasi dumadaan yung Makati Loop dun eh, punuan kasi yun sa Terminal sa Park Square kaya naman kailangan ko maghintay ng kakauenteng oras para makasakay. At kanina, ang maikling oras na paghihintay eh naging maaaahhhhaaabbbbaaaa sa sobrang tagal, kung anu-anong technique na ang naiisip ko kanina, kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa utak ko, ganun ang nangyayare kapag nabuburaot na ako. Naisip ko na ngang mag-patay-patayan kanina para tumawag yung ibang taong nakikisilong duon sa tambayan ng ambulansya at makalibre ako ng pamasahe pauwe, pero naisip ko na mas mahal magpagamot kapag nalaman ng taong-bayan na nagpatay-patayan lang pala ako at ako’y kanilang gugulpihin, mahapdi ata yun, mata ko lang ang walang latay kapag nangyare un. jusko. Kaya naka-isip nalang ulit ako ng ibang paraan, naisip ko ring kagatin ung halaman kanina, at nagbabakasakaling tumubo agad yun pagka-kagat ko at umabot sa bahay namin ang mga sanga nun, pero naisip ko, mababasa rin pala ako pag nangyare un at bka pagkinagat ko yun eh malaglag pa ako, sayang, maganda na sana ang plinano ko, tsk tsk. Sapagkat kulang pa sa tamang elemento ang mga naiiisip ko kanina, eh nakaisip na rin ako ng isang perpektong plano, plano na sadyang gagana talaga, isang plano na sadyang makakarating sa paroroonan, isang plano na dadaig sa tindero ng buko, isang plano na bubuo ng aking pangarap, isang plano na magbibigay sa aking ng tunay na kasiyahan, ang planong ‘maglakad na lamang papauwe’, bwisit, wala na talagang pumasok sa isip ko kung yun eh, kaya mabigat man sa kalooban ko at lalong mas mabigat sa likod ko dahil sa bag kong dala, eh pinilit ko na lamang sugurin ang lakas ng ulan, pinilit ko na ring maka-abot sa bahay ang 3 yr old kong sapatos na ‘Checkered Slip-on na Vans’ sapagkat hindi na nakaka-akit ang hitsura nun, mukhang luma na talaga dahil 1 besos ko palang pinalabhan yun simula nung ipabili ko yun noong 2006.. matagal na panahon na rin ang nakalipas. Maayos pa naman yun kahit mukhang luma na, pero ayoko nalang umasa na ‘maayos’ pa ito dahil baka bigla nalang lagutan ng hininga yun at bigla akong traydorin at iwan sa ere, baka bigla kumalas yun at ako’y iwan, baka biglang masira yun sa daan habang ako papauwe. Yun lang talaga ang pinapangambahan ko, pero dahil tiwala ako sa Vans ko, sinumulan ko na nga ang aking paglalakbay (*hindi nyo ba napapansin na isa na akong adventurer dahil lagi nalang akong naglalakbay? haha.*). Inabot din ng 20 minutes ang paglalakad ko, mabilis ang proseso sapagkat walang trapik kapag naglalakad, ang kalaban mo nga lang eh ang mga mababangis at walang kapantay na usok na nanggagaling sa tambucho ng mga kotse, hula ko nga Diesel yung nasinghot ko kanina dahil sobrang tapang, pero hindi ako nagpatinag, kahit medyo amoy usok na ako, eh GO parin ako, dumaan nalang ako sa mga eskinita (*hindi yan eskimong chinita ungas*) para mapabilis ako at mas umikli ang landas kong tatahakin, kung saan saang pasikot sikot ako nagpapapasok, kung saan saang butas ako lumabas, pota, para akong daga kanina, na nagmamadali para makatikim ng konting tirang ulam sa bahay. Hindi naglaon ay nakauwe na rin ako sa bahay. Basang-basa ang “Vans”, ang “Freego” (*pants ko kanina*), ang “BXS” (*ewan ko ba kung bakit yan ang tatak ng brief ko*) at ang “_____” *(walang tatak ung damit ko*). Grabe, basang-basa ako.

Pero ok lang, dinaanan ko nalang sa kape ang nararamdaman ko. Kaya heto ako ngaun, sumisipsip ng kape at pinapamahagi sa inyo ang nangyare sa buhay ko kanina. Salamat.

Posted by mourningrain at 7:51 pm | permalink

Previous Comments

Masarap ma-alala ang nakaraang buhay-magaaral. Bagama’t matagal ng panahong itong nakalipas, ang pagsariwa sa gunita ay lubhang nakapagbibigay saya at lumbay.

Masaya ang ala-alang magaganda ngunit lumbay ang katapat ng mga mahapding karanasan.

Salamat sa pagpapaala.

Posted by Ka Andoy at June 3, 2009, 8:37 pm

Add a comment