June 2009
M T W T F S S
     
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Top Blogs

Visitors

Chatbox

Janna:

A great read. Ill definitely be back.

pacquiao vs margarito:

watch pacquiao vs margarito fight this nov. 13. visit my site: http://pacquiaovsmargarito.eztvstream.com

eztvstream:

nice blog. keep it up.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

eztvstream:

nice blog. keep it up.
watch your fave tv shows @ eztvstream.com

saç ekimi:

very nices blogs .thank you mary…
Türkiye Saç ekimi Merkezi

ash:

amfufu, wala na bang bagong kwento jan xD

ash:

good morning, just droppin by here ^^,

ka andoy:

Salamat sa pagdalaw. Bagito ako sa ganitong teknologhiya.
Maganda ang iyong pabalat.

mourningrain:

hi to all!

mourningrain:

haha. mwah mwah.

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼
As you build your dreams on my shattered hopes,
I'll look back on a day once loved and fantasize for tragedy

Byaheng Paco

June 2, 2009

At sa wakas, nakauwe na rin ako ng bahay ng walang anu pa mang trahedya at walang adik na nag-alok sa akin ng droga. oyes! kaysarap ng buhay pag wala problema!

Nanggaling ako sa Palengke ng Paco Manila para bumili ng kung anu-anong sangkap na maaaring pagkakitaan, kung ano-anong abubot para aking pag-tripan, at kung ano-anong pagkain para aking papakin sa daan.

Nagpunta ako sa Paco kaninang alas 4 ng hapon pagkauwe ko ng bahay, hindi ko pa nga naibababa ang aking bag eh heto na ang delubyo, ayan na si MAMA! Nako, nang makita kong paparating sa mama, agad agad akong naghanap ng canal o kung ano man butas sa bahay upang ako’y makapagtago, ngunit sa kasawiang palad, kita parin pala ako sa likod ng kurtina.
Malas! Sadyang matatalim ang mga mata ng mga nanay pag-dating sa utusan sessions.
Wala na akong nagawa nang nahuli ako ni mama na nakatago, sumuko na ako!
Hindi ko na rin nagawang tumakbo papalabas ng bahay dahil naipit na rin ako ng mga makamandag na pera na ginamit na mama upang akitin ako upang mamili sa Paco. “KICKBACK TO MEN!”, yang ang mga katagang pumasok sa isip ko.

At yun na nga ang nangyare, sumuko na ako sa utos ng aking mahal na ina, binaba ko muna ang aking bag, naghubad ng damit, at nagsuot na pangbahay na damit dahil hindi naman kagandahan ang Paco para pumunta nang naka-bihis, Sesame Street na damit lang ay sadyang ok na. At iyun na nga ang aking sinuot, isang sesame street na t-shirt na si Big Bird ang bida, siya ang naka-print sa harap ng damit, medyo butas butas na rin ang suot kong t-shirt na yun dahil sa katagalan, hindi na rin kanais nais ang pagka-puti nito dahil sadyang hindi mo na talaga mapapagkamalang puti ang damit na iyon dahil sa napapagkamalan na itong dilaw, bwisit! sinong hudyo kaya ang umahas sa damit kong yun!
At papaalis na nga ako ng bahay suot ang ‘Big Bird’ t-shirt at tsinelas at ang cargo shorts ko na aking suot kanina sa skwelahan. Humayo na agad ako palabas ng bahay para hindi na madagdagan pa ang ipapabili sa akin, agad akong kumaripas papalabas, nagmamadali, ngunit, ayun na naman, naka-abang na naman pala si mama sa labas ng bahay, hindi dahil sa mainit sa loob ng buhay, kundi dahil magpapa-dagdag na naman sya ng bibilhin, kung minamalas ka nga naman talaga oh! Magkapera lang talaga ako, lalagyan ko ng backdoor ang bahay namin para duon nalang ako maglalabas-pasok para hindi na nila ako kailan pa ma-gambala.

Pagkatapos madagdagan ang aking listahan na bibilhin sa Paco, ako’y rumekta na talaga papunta sa sakayan, nakayuko at hindi tumitingin sa malayo para wala nang maka-kilala pa sakin dahil ako’y nagmamadali na makapunta dun, para matapos na agad to, ayaw na ayaw ko kasing namimili sa Paco eh, kung hindi mga mukhang magnanakaw ang tindero eh ang mga mamimili ang mukhang magnanakaw. Inabot din siguro sa 40 minutes ang biyahe ko papuntang Paco na kadalasan ay 20-25 minutes lamang dahil sa sobrang ka-trapikan sa kalsada, grabe, nakakainip, nakaka-bagot, nakaka-tae. Sobra talaga sa trapik, malas talaga, hindi umuusad ang mga jeep, mabaho ang kili-kili ng iyong katabi, mukhang manyakis ung nasa harapan mo at mukhang kidnapper ang naka-sabit sa jeep, jusko po, akala ko katapusan ko na kanina, akala ko pa naman sa pelikulang pilipino ko lang makikita ang ganoong klase ng setting… nangyayare din pala ito sa personal na buhay, grabe, nakakatakot.

Pero ayos lang ang lahat, dinaan ko nalang sa pagkaen ng hopiang ube ang trapik! haha, naisahan ko sila dun! Nguya dito nguya doon ang eksena ko sa jeep, pakiwari ko nga’y naiiingit na yung manyakis na nasa harapan ko dahil lagi nyang dinidilaan ang kanyang labi. *haha, anu yung labi nya? may flavor? haha*
hindi ko nalang masyadong pinansin ung katabi kong mabaho ang kilikili, siguro nasanay nalang ako, ikaw ba naman eh makatabi mo ng 40 minutes sa jeep ang lintik na yun eh, ewan ko nalang kung hindi ka pa masanay dun. Nakaubos din siguro ako ng 5 piraso ng Hopia Ube, sarap talaga, sa mga hindi nakakaalam, isa sa mga peyborit kong pagkaen na papapakin ay ang hopia ube, kaysarap na tunay, ganun pala ang feeling ng isang Doraemon. Moja! Moja!

At nakarating na rin ako sa Paco pagkatapos ng 40 minutes, agad agad kong binili ang mga requirements ni mama, baka sakaling mabiyayaan ako ng kaunting kwarta. Mabilis ang naging proseso ng mga transaksyon ko, binayaran ko ang mga binili, sinuklian ako ng tindera, binayaran ko ang pinamili, sinuklian ako ng tinder, bwisit, sakto lahat ng binayaran ko, wala man lang kahit isang piso na naligaw sa bulsa ko, footah, magaling na mathematician si mama, saktong sakto, kwentadong-kwentado, ni isang kusing eh hindi nakatas, bwisit, mautak talaga! saludo ako!

Sa wakas, natapos na ang pamimili ko, nagpasuyo nalang ako sa isang macho-boy/tindero/tricycle boy/manicurist/barker na ihatid ako duon sa may sakayan ng jeepney dahil sadyang napaka-rami talaga ng aking bitbit na bagahe, aakalain mo nga nagmistulan akong isang balikbayan na nanggaling sa Bukidnon dahil sa dami ng mga bagahe kong dala, pero hindi ako nagpaapekto sa bigat, pagkarating namini manong macho dun sa sakayan ng jeep eh agad agad na rin akong sumakay sa harapan ng jeep kasama ang mga pinamali ko, inabutan ko nalang sya ng 20 pesos, at ang nakakagulat ay bigla nalang akong kinindatan ng loko, aba, akalain mo, mukhang may pagnanasa pa ata, jusko, paano pa kung 50 pesos yung inabot ko? malamang hindi lang kindat ang abutin ko sa brusko’ng yun eh. nako! buti nalang at 20 lang ang nabunot ko sa aking cargo shorts.

Pagkasakay ko ng jeep agad akong nagbayad ng 20 pesos dahil binayaran ko na yung harapan dahil sa sobrang dami nga ng mga bitbit ko, buti naman at may sukling inabot si manong sa 20 pesos ko, aba’t akalain mo na may mababait parin pala dito sa circulo ng mga jeepney drivers. Mabilis ang naging byahe ko papauwe dahil may kakaibang dinaanan si manong driver, aba, may sariling routa si pogi, ang daming shortcut na dinaanan, siguro nabalaan agad sya ng mga katukayo nya na trapik sa tunay na routa nila. Grabe talaga, namangha ako sa galing ni kuya driver, mabilis magpatakbo, ang daming shortcut na alam, kulang na lang eh ibanhin nya ang routa ng jeep nya dahil kakaiba na ang mga lugar na dinaanan namen eh. Idol! Siguro mga 25 minutes lang ang biyahe ko at nakarating na rin ako sa bahay!

Sa Wakas! Nabuhay na naman ang isang Martin Lorenzo R. Zoleta! Tagumpay ang aking paglalakbay!

Posted by mourningrain at 6:56 pm | permalink

Add a comment