I'll look back on a day once loved and fantasize for tragedy
Home » Archives » June 2009
Sandaling Kasiyahan.
June 11, 2009anep.
wala akong pasok ngaun(11) + walang pasok bukas(12) dahil holiday + walang akong pasok sa sabado(13) + half day sa sunday(14) = Three Enehap Days Ng Kaligayahan.
ahahahay.
buhay nga naman.. ang seye seye nemen..
napakasaya at nakaka-aliw kapag walang pasok..
dahil..
walang kang ibang iisipin..
walang lesson na rereview-hin..
walang teacher na iinisin..
walang lecture na kokopyahin..
walang hopiang kakainin..
walang guard na walang ngipin.. (ha? ha? haha)
walang tsinelas na kakagatin..
walang kati na kakamutin..
walang kuto na titirisin..
walang classroom na aamuyin..
walang I.D. na tatap-in.
walang mapua na papasukin!!! yes!
hahaha
at dahil wala ngang pasok..
walang baon na babaunin..
walang kutsara na nenenok-in..
walang chix na sisilipin..
walang libreng yosing hihithitin..
walang pang-alis na susuotin..
walang byaheng titiisin..
walang perang hihingiin..
walang aircon na dadamdamin..
at walang mapuang iisipin..
hahaha.
kahit saang anggulo mo talaga titignan..
walang kwenta tlga ang Mapua.
)
pansamantalang kasiyahan lang to.
pagkatapos ng 3 enehap days na kasiyahan ay balik na naman sa katotohanan..
balik na naman sa dating gawi, balik sa normal na buhay..
hays, ito ang aking sandaling kasiyahan.
Pinapakilala ko sa inyo ang aking Banda! ang SRM
June 9, 2009S.R.M. a.k.a Single and Ready to Mingle
Ang S.R.M. nga pala ay hindi isang Kumpanya, hindi isang Korporasyon, hindi isang tindahan, hindi isang gay bar, hindi pangalan ng kotse, hindi tatak ng baso, hindi isang pyramid scam, hindi isang website, hindi isang tatak ng elektripan at lalong hindi isang pautangan.
Para sa mga nagtataka kung ano ba talaga ang S.R.M. eto ang History ng S.R.M.:
Ang S.R.M. ay isang samahan, isang kapatiran at isang banda na itanatag nina Tim Rodrigo, Benster Devilles, Joshua DeLeon at Martin Zoleta noong March or April 2009 sa tahanan nila Tim habang nagiinuman ang 4 na kalalakihan sa saliw ng Generoso at Iced Tea.
Tinatag ang S.R.M sa layunin ng 4 na magkaroon ng isang memorable na buhay, magkaroon ng libangan, ang makapag-open sa bawat isa kung mayroon problema ang isa, ang makapag gala-gala at makalimot sa problema sa buhay, ang makapag-bonding kasama ang bawat isa, ang makipagkilala at makipag-friends, tinatag ito para mayroon kaming tatakbuhan pag pinaglayas ang isa ng kanyang magulang dahil sya ay nangnenok ng tutbrush, ang maka-tugtog ng sarili namin musika sa isang sikat na bar, ang makainom ng libreng alak
pagkatapos namin tumugtog sa isang sikat na bar, ang maka-hatak ng chix dahil mga hollywood ang datingan namin, ang makapagpundar ng pera para mabilhan namin ang isa’t isa ng original na sapatos, ang makapag pundar ng pera para makabili ng sarili namin tambayan, at kung ano ano pa, in short, maraming plano at maraming mga moves ang S.R.M na ikagugulat nyo dahil hindi naman kami mga mukhang nagiisip.
Ang samahan ng mga S.R.M. ay hindi nasusukat sa dami ng pera, o sa size ng brief, o sa haba ng buhok, sa dami ng itlog na iyong naulam, o kung gano kalaki ang butas ng iyong burkak, o kung gano kalakas ka nadulas sa swimming pool, o kung gano karaming kanin na ang iyong kinuha sa hapag-kainan, o kung gano karaming yosi ang iyong tinago para meron ka pang yuyusihin paguwe mo, o kung gano karaming chix ang ipinagmamalaki mo kahit patay na lahat ng mga iyon.
Kung susumahin, ang pagsasama ng S.R.M ay nasusukat kung gano kalakas ka uminom ng alak, kung gano karaming oras ka tatagal sa inuman ng walang sumasayad na pulutan sa iyong lalamunan, at kung gano kagaling ka mambola ng chix, at kung gano karaming number ng babae ang iyong makukuha sa loob ng isang minuto, at kung gano karaming posing ang iyong magagawa kapag nkatutok na sayo ang camera ni Martin, at kung gano katatag kang makinig ng problema ni Joshua kapag lasing, at kung gano kagaling ka umilag sa mga tirada ni Benster kapag siya ay lango na sa ipinagbabawal na inumin at kung gano katatag ang iyong ilong sa tindi ng aroma na malalanghap mo dahil sa tae ng pusa sa labas ng
bahay nila Tim.
Nais ko nga palang ipakilala sa isa-isa ang 4 na Founders ng S.R.M.
Timothy Rodrigo a.k.a “Tim”
-> Bahista ng Banda
-> Bahista rin ng Prodigal
-> Boy PSP
-> Always present with his PSP Classmates
-> Dating Long Hair
-> Dating Sugarol
-> Kamukhang-kamukha ang Ina
-> Nasobrahan nga lang sa mata
-> Malaki ang Front Teeth
-> Nag-gi-gym
-> Mahilig sa Adobo
-> Mahilig sa mga hayup
-> Hindi nya alam pinagtitripan lang sya ng mga alaga nya.
-> Maganda ang lahi
-> Pero mas maganda ang mga Pinsan
-> Taga Makati
Benster Devilles a.k.a “Bens”
-> Bokalista ng Banda
-> Bokalista rin ng Prodigal
-> Boy Bike
-> Always present with his Bike
-> Dating Sacramento Boy
-> Dating Sanggol
-> Kamukhang-kamukha ang Ama
-> Nasobrahan lang sa hulma
-> Magaling Kumanta
-> Mas magaling sa Ama
-> Nag-gi-gym din
-> Mahilig sa kahit anong ulam, wag lang dinuguan
-> Iglesia Ni Cristo
-> Pero loko-loko
-> Taga Old Panaderos, Manila
Joshua DeLeon a.k.a “Josh”
-> Gitarista islash Lidista ng Banda
-> Gitarista islash Lidista rin ng Escarcha
-> Boy Sumbrero
-> Always present with his Sumbrero
-> Dating HighSchool
-> Ngaun isa nang ganap na graduate
-> Kamukhang kamukha nya magulang nya
-> Pero hindi ko pa nakikita
-> Magaling rin kumanta katulad ni Benster
-> NAg-gi-gym din kasama sila Bens at Tim
-> Mahilig pumapak ng ulam
-> Bwisit! Wala na tuloy kaming nauulam
-> Maraming Relihiyon
-> Pero may schedule
-> Mormons/Born-Again/Katoliko - M/W/F
-> Anti-Christ/Jehova/ - T/TH
-> Pahinga sa pagiging Relihiyoso every Sat/Sun
-> Idol nya si Hayley
-> Pero hindi sya idol ni Hayley
-> Taga J.B. Roxas, Baba, Dulo, kung saan maraming adik
Martin Zoleta a.k.a “Mart”
-> Drummer ng Banda
-> Drummer rin ng Zero Degree
-> Boy Towel
-> Always present with his Towel
-> Dating Christiano
-> Ngaun Demonyo
-> Kamukha nya Erpat nya
-> Pero parang yung kapitbahay talaga ang Ama nya
-> Magaling bumoka
-> Wag lang kakanta
-> Nag-gi-gym din DAW dati
-> Sino kaya kasama? haha.
-> Tindero
-> Siya rin ang magnanakaw
-> Walang ibang alam ihain sa mga bisita kundi itlog
-> Pero bumabawi sa Kanin
-> Hindi N.F.A.
-> Galit kay Bob Ong
-> Hindi nya pa daw kasi nakikita ung Bob Ong eh
-> Taga Sacramento, Gitna, Bigasan, kung saan may bigasan.
SRM’s VIDEO’s
SRM - Katuwaan at Kulitan
SRM - Bombtrack
Walang Magawa!
June 5, 2009dahil sa sobrang katamaran.
naisip ko nalang na mag-picture picture.
haha.
pasensya kung mukha akong adik.. medyo nasobrahan lang talaga ako sa patis nung mga panahong yan.
hahaha..
Kapag Minamalas Ka Nga Naman!
ang sama ng pakiramdam ko.
sobra! hindi na nakakatuwa.
ok lang sana kung medyo uhog lang to na tumutulo saking mata eh, ok lang din sana kahit muta to na lumalabas sa aking ilong eh, eh ang kaso, mukhang malala pa ata to.
grabe, hindi ko alam na tinatamaan pa pala ako ng sakit.
akala ko pa naman eh isa na akong magiting na tao … akala ko pa naman eh makakatulong ung pagkaen ko ng 3 beses isang araw at paginom ko ng Milo upang makaiwas sa sakit, jusko… mali pala lahat ng akala ko…
nakakatamad pala pag may sakit.. (hindi pa naman sakit to, pero nararamdaman ko na na magkakasakit ako).. hindi ako maka-kilos ng maigi.. bwisit…
ang sakit ng batok ko..
ang sakit ng paa ko at feeling ko may rayuma na ako, seryoso.
ang sakit ng katawan ko.
nanghihina ako at feeling ko eh para akong isang bayarang babae na kumayod ng 1 linggong wala pahinga.
ganyan ang pakiramdam ko ngaun.. gamit na gamit na ako!
hay, nasusuka ako ngaun, pero hindi nalang ako nagpapa-tinag.
kahit kelan sa buong buhay ko, hindi pa ako na-oospital, at kahit kailan, wala sa calendaryo ko ang mapunta at ma-confine sa Ospital.
ASA.
hindi ako mapapa-taob ng kahit anong sakit.
isang dakilang ‘ZOLETA’ ata to. hahaha.
sana naman gumaling na ako. ahuhu. hindi ko talaga maitis ang ganto. oo, malakas talaga makapag-pahina pag may sakit, at ang masaklap pa talaga nun eh hindi ko magawa ang mga bagay na dapat ginagawa ko.. bka hindi pa ako makapag-inom mamaya dahil dito sa nararamdaman ko. ang sarap sarap pa naman uminom kapag ganito ang panahon. hay nako.
hindi rin ako makapag-sigarilyo ng maayos…, ung 1 stick eh indi ako na maubos-ubos, siguro wala pa sa kalahati eh tinatapon ko na ung yosi dahil nasusuka na ako. tae. sayang tuloy ung 2.00. hay nako.
naglilihi kaya ako? H1N1 kaya ito? lagnat? SARS? AIDS? kuto? rashes? tigdas? kalmot? sugat? pilay? beke? kalyo? o bulutong?
hmm.. ano kaya ang sakit ko?
excited na akong malaman.
hahaha.
kitang kita nyo naman, kahit ganto na ang pakiramdam ko eh sadyang masayahin parin ako, nakangiti parin, at positibo ang paningin sa buhay. (ahaha, akala mo mamamatay na eh noh?)
at dahil sa sobrang naiinis na ako sa sakit ng ulo ko eh agad ko na tatapusin tong post na ito.
hahaha.
bitinin ko muna kayo.
-sana hindi AIDS to-
BORING!
nakaka-praning pala pag-magisa ka lang dito sa kwarto at walang kausap, jusko, wala naman akong makausap ng matino sa YM ngaun sapagkat offline si Kang Basco a.k.a micah_lhog13 a.k.a kangkarotz at kung anu anu pang ka-aningan na username. Haha, siya lang ang nakakausap ko ng matino-tino sa YM. aun.. nasaan ka na Kang? *hanep, special mention ka pa dito sa blog ko* haha, exposure na naman to. haha.
haha. saan ka ba nagpunta? wala ako maka-usap. jusmio!
haha. nakakaen ka lang pritong siomai eh iniwan mo na ako?
hahaha.
manumbalik ka dito ngayon din!
haha.
Kabaliwan!
June 4, 2009sadyang hindi na nga talaga natin maiwasan ang malakas na buhos ng ulan.. at ang hagupit ng hanging na darating. sadyang ganyan talaga ang panahon, talagang nakaka-bagot sa bahay kapag ganito ang klima, marami tayong hindi magawa, kaya eto gumawa ako ng listahan na hindi ko magawa kapag umuulan:
1. hindi makatambay sa labas
2. hindi maka-gala
3. hindi makabili ng pan de coco sa bakery dahil sa sobrang baha
4. hindi makapag-sightseeing ng mga babaeng dadaan, dahil wala talagang dumadaan. kung meron man eh mukhang hindi mo na nanaaising tignan pa, haha, mas gugustuhin mo nalang matulog.
5. hindi makapag-abang ng mga bumbay na aasarin. di kasi sila talaga pwede mag motor pag baha, hindi pa nila alam ang salitang ‘bangka’.
6. hindi makapag-dilig ng halaman
7. hindi makapag-laro ng ipis
8. hindi makapag-pa-tuyo ng mga labahin
9. hindi makapaginternet ng maayos dahil sa bwisit na Globelines na yang na hindi ko alam kung bakit nagloloko ang connection tuwing umuulan! oo! walang kwenta internet namin, lecheng GLOBELINES yan.
at ang pinaka-masakit at pinaka-masaklap sa lahat na hindi ko magawa tuwing umuulan, at ang number 10 sa aking listahan ay ang…… tagadagadagadagadagadagadug……
10. hindi makakain ng halo-halo tuwing umuulan.
yehey!
walang ka-kwenta-kwentang list!
hahaha.
pero mas gusto ko parin talaga ang umuulan, kasi minsan lang naman mangyare ito, lalo na sa Pilipinas kung saan tayo’y nakapaloob sa ‘Ring Of Fire’. Hindi man nagyeyebe at umuulan ng yelo dito eh ayos lang, wala rin naman akong maligo sa ilalim ng yebe at yelo eh, ok na ako sa ulan. masaya rin kapag umuulan dito sa pinas, wala kang ibang gagawin kundi matulog, kumaen, manginig, magjacket, uminom ng kape, manginig ulet at magcomputer.
kaysarap talaga pag wala kang iniisip na gagawin, hindi mo iisipin na dadaanan ka ng kaibigan mo dahil alam mong hindi siya makakadaan sa sobrang lakas ng ulan. kaya kampante kang nakakapag-computer. hahaha. hindi mo na kailangang bilisan ang pag-close ng mga naka-bukas na kung anu mang website na iyong pinuntahan. panatag ang loob mo!
tuwing umuulan din, madalas akong nakakapag-isip ng mga bagay bagay na hindi ko nagagawa kapag mainit. nakakapag-libot ang utak ko at nagagamit ko ito kahit papano kabag umuulan, dito ko na-re-realize ang mga bagay-bagay sa mundo, tuwing tag-ulan ko rin binubuhos lahat ng ka-dramahan sa buhay ko. dito ako gumagawa ng mga nakaka-antig at nakaka-iyak na tula, ngunit sa kasamaang palad, hindi ako nakagawa ng tula ngaung tag-ulan sapagkat nawawalan na rin ako ng oras dahil sa kakasulat ko ng mga blogs, kakalaro ng mga computer games, kaka-inom ng alak kasama si Sonny Zoleta (ang aking ama), kaka-aral, kakatulog at kaka-chat.
hilig ko na talaga magbasa at gumawa ng mga tula dati pa. hindi ko alam kung bakit ako nahilig sa gantong bagay, minsan nga hindi ko na naiintindihan ung tula dahil sa sobrang lalim ng kahulugan neto, pero basta feeling ko magka-ka-rhyme ang dulo ng bawat sentence eh maganda na para sakin un. basta mukhang pinag-hirapan at mukhang binigyan talaga ng attensyon ay talagang nakakamangha. gusto ko nga pala i-share sa inyo ang isa sa mga paborito kong poem. walang title tong tulang to, pero it is the author’s life story kaya aun. paki-click nalang ang —> LIFE STORY <— para mabasa nyo at baka maging payborit nyo rin yan.
aba, nakakagulat, 3 magkaka-sunod na araw na pala akong gumagawa ng blog, ahaha, nakakatuwa talaga, sana natutuwa rin ang mga nagbabasa nito, mukhang nakakatamad nga lang basahin sa sobrang haba pero atleast may kwenta naman lahat ng pinagsusulat ko kahit papano, hindi tulad nung BOB ONG na un na puro kalokohan ang pinagsusulat, at walang laman, puro BOGALOIDS at ABNORMALITES ang alam. haha. hindi naman ako galit kay bob ong noh, sa katunayan idol ko nga sya eh, kahit medyo mukhang matabang intsik ang pagkaka-isip ko ng kanyang hitsura eh wala akong itinatanim na galit sa kanya. naisip ko nga minsan magpa-contest eh, ung tipong, ‘DRAW BOB ONG’, parang kung ano ung imahe na bob ong na nakikita mo kapag nagbabasa ka ng libro nya, kasi nga db, wala pa naman talagang nakakakita dun sa Bob Ong na yun, kaya parang, ano ang hitsura ni Bob Ong para sayo, yung ang ibig sabihin ng ‘DRAW BOB ONG’, at naisip ko na rin na ang premyo ng mananalo ay isang ‘Standard Elektripan na may naka-print na mukha ng totoong Bob Ong sa elesi’. Oh db panalo? haha. Hindi ka mag-sasawa kay Bob Ong dahil iba’t ibang anggulo niya ang makikita mo kapag pinaikot mo ang Elektrikpan. Naisip ko rin na ang 2nd runner up ay dapat na may premyo din, ang naisip kong premyo nya ay isang ‘Flat Iron na may mukha ni Bob Ong sa ilalim’ *ung umiinit na parte*, aba, magpaplantsa ka na nga lang ay matatawa ka pa.. db? at para naman sa ating 3rd runner up, siya ay mag-uuwe ng isang mirror na may mukha ni bob ong na naka-print, oh db, magsusuklay ka nalang ay matatawa ka pa. Please submit your entries on/or before June 12, 2010. Hahaha. For DTI/NCR Permit no… haha..
nakakapraning na naman.
haha.
tapusin ko na tong post ko at magyoyosi pa ako.
paalam!
Malamig!
June 3, 2009hay.
heto na naman ako.
hapo, pagod, nanghihina, masakit ang katawan, basa ang buhok, basa ang damit at mabaho ang paa’t may sabit sabit pa ng kung anung dumi sa daan.
grabe, kakauwe ko lang galing sa eskwelahan, hindi nakakatuwa ang mga eksena, sobrang lakas ng buhos ng ulan na animo’y pinagtitripan ka ng isang bumbero.
kahit malakas ang pagpatak at pagbuhos ng ulan eh sadyang masaya parin ako, sobrang galak at mukhang demonyo ang aking bungisngis sapagkat peyborit ko talaga ang ulan.
hindi naman dahil sa isa ako sa mga batang lumalangoy sa harap ng petron dahil barado ang mga kanal dun, masaya ako dahil hindi maaraw at hindi ako pinagpapawisan.
ayos! ngayon ko nalang ulit naramdaman ang ginaw at lamig, at dahil dyan, ngayon ko nalang din ulit naramdaman ang aking pinakamamahal na jacket, haha, salamat sa iyo o ulan.
ang sarap ng feeling nung sinuot ko ung jacket ko kanina, parang bago, parang kakabili ko lang ngunit amoy aparador at amoy nympethamine balls, pero ayos lang, at least kahit papano, nagamit ko sya ulit pagkatapos ng ilang buwan na pamamalagi at pagtambay sa aking aparador.
pagkalabas ko ng skwelahan kanina, agad akong dumiretso sa aking payborit spot, ang aking tambayan, ang aking lugar-pahingahan…. ang aking yosihan. dito ako lagi dumideretso tuwing lalabas ako ng Mapua at walang magawa, tambay saglit, hintay ng kakilala para makalibre ng yosi, kwento konti, hintay ulit ng kakilala para makalibre… ganyan lang ang ginagawa ko dun, parang nakakatamad pero dun kayo nagkakamali. masarap tumambay dun lalo na pag may mga kasama ka, hindi mo mapapansin na ang 1 sigarilyo mo eh tatagal ng 6 minutes 23 seconds dahil sa kakakwento mo sa iyong kasama, sulit db? hindi! hindi sulit kasi sadyang mas mahal ang sigarilyo sa aking tinatambayan kesa sa mga normal na tindahan, kay ‘Manong Putol’ ang aking suking tindero sa aking tambayan, eh Php 2.50 ang isang stick ng Marlboro Red, mahal db? hindi tulad sa ibang tindahan na Php 2.00 lamang, at kung medyo magaling ka mambola at talagang makapal lang ang iyong mukha o sadyang wala ka na talagang pambayad eh makukuha mo ang isang Marlboro Red sa halagang Php 1.50 lamang.
Pero kung tutuusin, ok naman ako sa Php 2.50, kesa naman maglakad ka pa ng kaunti at tumawid para bumili ng yosi doon sa kabilang side ng street kung saan Php 2.00 lang ang benta ni manang, baka yung pagtawid mong yun pa ang maging sanhi ng iyong pagkakadapa o pagkaka-apak ng bubble gum, o kung mas matindi pa eh ang masagasaan ka. Napapaisip nga ako minsan eh, sinadya ba talaga ni Manang na pumwesto sa kabila at ibenta sa mas mababang presyo ang kanyang tinda para kalabaning si Manong Putol? Hmm… nakakabagabag kung iisipin. O siguro may lihim lang talagang pagtingin si MAnang kay Manong at pilit na nagpapa-pansin. Hay, ewan ko sa kanilang dalawa. Basta ako, tuloy parin akong tatambay doon at maghihintay ng kakilala, kung papalarin ako eh baka hindi lang Yosi ang makukuha ko, baka pati BukoJuice eh pagpalain akong bigyan.
anong oras na rin ako nakauwe, matagal akong naghintay ng masasakyan duon sa yosi-han ko, inabot ako ng halos 30 minutes sa kahihintay na may ‘Makati Loop’ na jeep na dumaan, yun kasi ang sinasakyan ko papa-uwe para makatipid, 7 pesos lang pag hindi aircon at 10 piso naman kapag aircon ang jeep, at 0 pesos naman kapag medyo makapal ang mukha mo para sumabit. pero ayun, matagal tagal talaga akong naghintay, naka-5 sigarilyo ata ako, 3 kendi, at 12.50 ang nagastos ko, bwisit, pamasahe na sana yun oh, kung hindi lang matagal dumaan ang sinasakyan kong jeep. Every 5 minutes lang kasi dumadaan yung Makati Loop dun eh, punuan kasi yun sa Terminal sa Park Square kaya naman kailangan ko maghintay ng kakauenteng oras para makasakay. At kanina, ang maikling oras na paghihintay eh naging maaaahhhhaaabbbbaaaa sa sobrang tagal, kung anu-anong technique na ang naiisip ko kanina, kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa utak ko, ganun ang nangyayare kapag nabuburaot na ako. Naisip ko na ngang mag-patay-patayan kanina para tumawag yung ibang taong nakikisilong duon sa tambayan ng ambulansya at makalibre ako ng pamasahe pauwe, pero naisip ko na mas mahal magpagamot kapag nalaman ng taong-bayan na nagpatay-patayan lang pala ako at ako’y kanilang gugulpihin, mahapdi ata yun, mata ko lang ang walang latay kapag nangyare un. jusko. Kaya naka-isip nalang ulit ako ng ibang paraan, naisip ko ring kagatin ung halaman kanina, at nagbabakasakaling tumubo agad yun pagka-kagat ko at umabot sa bahay namin ang mga sanga nun, pero naisip ko, mababasa rin pala ako pag nangyare un at bka pagkinagat ko yun eh malaglag pa ako, sayang, maganda na sana ang plinano ko, tsk tsk. Sapagkat kulang pa sa tamang elemento ang mga naiiisip ko kanina, eh nakaisip na rin ako ng isang perpektong plano, plano na sadyang gagana talaga, isang plano na sadyang makakarating sa paroroonan, isang plano na dadaig sa tindero ng buko, isang plano na bubuo ng aking pangarap, isang plano na magbibigay sa aking ng tunay na kasiyahan, ang planong ‘maglakad na lamang papauwe’, bwisit, wala na talagang pumasok sa isip ko kung yun eh, kaya mabigat man sa kalooban ko at lalong mas mabigat sa likod ko dahil sa bag kong dala, eh pinilit ko na lamang sugurin ang lakas ng ulan, pinilit ko na ring maka-abot sa bahay ang 3 yr old kong sapatos na ‘Checkered Slip-on na Vans’ sapagkat hindi na nakaka-akit ang hitsura nun, mukhang luma na talaga dahil 1 besos ko palang pinalabhan yun simula nung ipabili ko yun noong 2006.. matagal na panahon na rin ang nakalipas. Maayos pa naman yun kahit mukhang luma na, pero ayoko nalang umasa na ‘maayos’ pa ito dahil baka bigla nalang lagutan ng hininga yun at bigla akong traydorin at iwan sa ere, baka bigla kumalas yun at ako’y iwan, baka biglang masira yun sa daan habang ako papauwe. Yun lang talaga ang pinapangambahan ko, pero dahil tiwala ako sa Vans ko, sinumulan ko na nga ang aking paglalakbay (*hindi nyo ba napapansin na isa na akong adventurer dahil lagi nalang akong naglalakbay? haha.*). Inabot din ng 20 minutes ang paglalakad ko, mabilis ang proseso sapagkat walang trapik kapag naglalakad, ang kalaban mo nga lang eh ang mga mababangis at walang kapantay na usok na nanggagaling sa tambucho ng mga kotse, hula ko nga Diesel yung nasinghot ko kanina dahil sobrang tapang, pero hindi ako nagpatinag, kahit medyo amoy usok na ako, eh GO parin ako, dumaan nalang ako sa mga eskinita (*hindi yan eskimong chinita ungas*) para mapabilis ako at mas umikli ang landas kong tatahakin, kung saan saang pasikot sikot ako nagpapapasok, kung saan saang butas ako lumabas, pota, para akong daga kanina, na nagmamadali para makatikim ng konting tirang ulam sa bahay. Hindi naglaon ay nakauwe na rin ako sa bahay. Basang-basa ang “Vans”, ang “Freego” (*pants ko kanina*), ang “BXS” (*ewan ko ba kung bakit yan ang tatak ng brief ko*) at ang “_____” *(walang tatak ung damit ko*). Grabe, basang-basa ako.
Pero ok lang, dinaanan ko nalang sa kape ang nararamdaman ko. Kaya heto ako ngaun, sumisipsip ng kape at pinapamahagi sa inyo ang nangyare sa buhay ko kanina. Salamat.
Byaheng Paco
June 2, 2009At sa wakas, nakauwe na rin ako ng bahay ng walang anu pa mang trahedya at walang adik na nag-alok sa akin ng droga. oyes! kaysarap ng buhay pag wala problema!
Nanggaling ako sa Palengke ng Paco Manila para bumili ng kung anu-anong sangkap na maaaring pagkakitaan, kung ano-anong abubot para aking pag-tripan, at kung ano-anong pagkain para aking papakin sa daan.
Nagpunta ako sa Paco kaninang alas 4 ng hapon pagkauwe ko ng bahay, hindi ko pa nga naibababa ang aking bag eh heto na ang delubyo, ayan na si MAMA! Nako, nang makita kong paparating sa mama, agad agad akong naghanap ng canal o kung ano man butas sa bahay upang ako’y makapagtago, ngunit sa kasawiang palad, kita parin pala ako sa likod ng kurtina.
Malas! Sadyang matatalim ang mga mata ng mga nanay pag-dating sa utusan sessions.
Wala na akong nagawa nang nahuli ako ni mama na nakatago, sumuko na ako!
Hindi ko na rin nagawang tumakbo papalabas ng bahay dahil naipit na rin ako ng mga makamandag na pera na ginamit na mama upang akitin ako upang mamili sa Paco. “KICKBACK TO MEN!”, yang ang mga katagang pumasok sa isip ko.
At yun na nga ang nangyare, sumuko na ako sa utos ng aking mahal na ina, binaba ko muna ang aking bag, naghubad ng damit, at nagsuot na pangbahay na damit dahil hindi naman kagandahan ang Paco para pumunta nang naka-bihis, Sesame Street na damit lang ay sadyang ok na. At iyun na nga ang aking sinuot, isang sesame street na t-shirt na si Big Bird ang bida, siya ang naka-print sa harap ng damit, medyo butas butas na rin ang suot kong t-shirt na yun dahil sa katagalan, hindi na rin kanais nais ang pagka-puti nito dahil sadyang hindi mo na talaga mapapagkamalang puti ang damit na iyon dahil sa napapagkamalan na itong dilaw, bwisit! sinong hudyo kaya ang umahas sa damit kong yun!
At papaalis na nga ako ng bahay suot ang ‘Big Bird’ t-shirt at tsinelas at ang cargo shorts ko na aking suot kanina sa skwelahan. Humayo na agad ako palabas ng bahay para hindi na madagdagan pa ang ipapabili sa akin, agad akong kumaripas papalabas, nagmamadali, ngunit, ayun na naman, naka-abang na naman pala si mama sa labas ng bahay, hindi dahil sa mainit sa loob ng buhay, kundi dahil magpapa-dagdag na naman sya ng bibilhin, kung minamalas ka nga naman talaga oh! Magkapera lang talaga ako, lalagyan ko ng backdoor ang bahay namin para duon nalang ako maglalabas-pasok para hindi na nila ako kailan pa ma-gambala.
Pagkatapos madagdagan ang aking listahan na bibilhin sa Paco, ako’y rumekta na talaga papunta sa sakayan, nakayuko at hindi tumitingin sa malayo para wala nang maka-kilala pa sakin dahil ako’y nagmamadali na makapunta dun, para matapos na agad to, ayaw na ayaw ko kasing namimili sa Paco eh, kung hindi mga mukhang magnanakaw ang tindero eh ang mga mamimili ang mukhang magnanakaw. Inabot din siguro sa 40 minutes ang biyahe ko papuntang Paco na kadalasan ay 20-25 minutes lamang dahil sa sobrang ka-trapikan sa kalsada, grabe, nakakainip, nakaka-bagot, nakaka-tae. Sobra talaga sa trapik, malas talaga, hindi umuusad ang mga jeep, mabaho ang kili-kili ng iyong katabi, mukhang manyakis ung nasa harapan mo at mukhang kidnapper ang naka-sabit sa jeep, jusko po, akala ko katapusan ko na kanina, akala ko pa naman sa pelikulang pilipino ko lang makikita ang ganoong klase ng setting… nangyayare din pala ito sa personal na buhay, grabe, nakakatakot.
Pero ayos lang ang lahat, dinaan ko nalang sa pagkaen ng hopiang ube ang trapik! haha, naisahan ko sila dun! Nguya dito nguya doon ang eksena ko sa jeep, pakiwari ko nga’y naiiingit na yung manyakis na nasa harapan ko dahil lagi nyang dinidilaan ang kanyang labi. *haha, anu yung labi nya? may flavor? haha*
hindi ko nalang masyadong pinansin ung katabi kong mabaho ang kilikili, siguro nasanay nalang ako, ikaw ba naman eh makatabi mo ng 40 minutes sa jeep ang lintik na yun eh, ewan ko nalang kung hindi ka pa masanay dun. Nakaubos din siguro ako ng 5 piraso ng Hopia Ube, sarap talaga, sa mga hindi nakakaalam, isa sa mga peyborit kong pagkaen na papapakin ay ang hopia ube, kaysarap na tunay, ganun pala ang feeling ng isang Doraemon. Moja! Moja!
At nakarating na rin ako sa Paco pagkatapos ng 40 minutes, agad agad kong binili ang mga requirements ni mama, baka sakaling mabiyayaan ako ng kaunting kwarta. Mabilis ang naging proseso ng mga transaksyon ko, binayaran ko ang mga binili, sinuklian ako ng tindera, binayaran ko ang pinamili, sinuklian ako ng tinder, bwisit, sakto lahat ng binayaran ko, wala man lang kahit isang piso na naligaw sa bulsa ko, footah, magaling na mathematician si mama, saktong sakto, kwentadong-kwentado, ni isang kusing eh hindi nakatas, bwisit, mautak talaga! saludo ako!
Sa wakas, natapos na ang pamimili ko, nagpasuyo nalang ako sa isang macho-boy/tindero/tricycle boy/manicurist/barker na ihatid ako duon sa may sakayan ng jeepney dahil sadyang napaka-rami talaga ng aking bitbit na bagahe, aakalain mo nga nagmistulan akong isang balikbayan na nanggaling sa Bukidnon dahil sa dami ng mga bagahe kong dala, pero hindi ako nagpaapekto sa bigat, pagkarating namini manong macho dun sa sakayan ng jeep eh agad agad na rin akong sumakay sa harapan ng jeep kasama ang mga pinamali ko, inabutan ko nalang sya ng 20 pesos, at ang nakakagulat ay bigla nalang akong kinindatan ng loko, aba, akalain mo, mukhang may pagnanasa pa ata, jusko, paano pa kung 50 pesos yung inabot ko? malamang hindi lang kindat ang abutin ko sa brusko’ng yun eh. nako! buti nalang at 20 lang ang nabunot ko sa aking cargo shorts.
Pagkasakay ko ng jeep agad akong nagbayad ng 20 pesos dahil binayaran ko na yung harapan dahil sa sobrang dami nga ng mga bitbit ko, buti naman at may sukling inabot si manong sa 20 pesos ko, aba’t akalain mo na may mababait parin pala dito sa circulo ng mga jeepney drivers. Mabilis ang naging byahe ko papauwe dahil may kakaibang dinaanan si manong driver, aba, may sariling routa si pogi, ang daming shortcut na dinaanan, siguro nabalaan agad sya ng mga katukayo nya na trapik sa tunay na routa nila. Grabe talaga, namangha ako sa galing ni kuya driver, mabilis magpatakbo, ang daming shortcut na alam, kulang na lang eh ibanhin nya ang routa ng jeep nya dahil kakaiba na ang mga lugar na dinaanan namen eh. Idol! Siguro mga 25 minutes lang ang biyahe ko at nakarating na rin ako sa bahay!
Sa Wakas! Nabuhay na naman ang isang Martin Lorenzo R. Zoleta! Tagumpay ang aking paglalakbay!
bagong blog! ayos!
June 1, 2009aun, grabe, kakatapos ko lang gawin tong blog.
haha. alas! mayroon na akong sariling blog-site. ahaha. yehey! salamat sa napaka-tino kong kapatid na itago nalang natin sa pangalang “VINCENT PAOLO R. ZOLETA” . hahaha. tagong tao ang pangalan no?
nako! alas diyes na pala. haha. malamang hindi na ako makapag post ng isang matino-tinong post dito. bka ipagpa-bukas ko nalang ang paggawa ng isang makabuluhang salaysay.
hanggang sa muli.
ako’y magpapaalam muna.


